Weblog
Wednesday, 02 July 2008
-
Nakakatuwa
Nakakatuwa talaga pag nakikita mo ang isang tao na masaya dahil sa maliit na bagay na ginawa mo. Nakakatuwa na nakikita mo ang ngiti sa kanyang labi, sa kanyang mga mata, sa bawat kilos na ginagawa niya.
Na kahit sa isang sandali lang parang tumitigil ang lahat at siya lang yung napapansin mo at ang kanyang mga ngiti. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap ulit ulitin ng sandaling iyon.
Friday, 20 June 2008
-
Felt Deprived
Not really that I was deprived with a lot of stuff since I decided to go to a dorm.
Yeah, you read it right; I'm residing in a dorm this sem and it took me great courage to decide on it. Besides on the fact that I go home on Fridays, it still took me a big step to do it. Considering lots and lots of stuff to remember; resources, maintenance, relations with the landlady (LOL) and of course what disturbed me a lot: budgeting.
I only have few bucks to spend for the whole day, I'm repeating it-- only a few bucks.
Yesterday I went home and the moment I saw the roof of our dear house I can't help but smile all my way to it. I sat on the couch and felt relief from the tough week I had. Ate good food that only at home where I could have it. There's no place like home, really.
I also felt a great relief of being limited on the things I can have. With those new things I experience since I went in the doorstep of my dorm, I learned the value of such things which before I only ignore.
Sometimes we just have to step back, move away a little and see the real life out there. It's worth seeing it.
Saturday, 14 June 2008
-
Paulit-ulti, nakakasawa
Naranasan mo na bang magdesisyon sa isang bagay na sa tingin mo ay hindi naman pala aprubado ng mga tao sa paligid mo na makakaapekto din sa kanila? Yung tipong nagdesisyon ka na agad, um-oo sila, sumangayon at bandang huli eh ikaw din ang sisisiin?
Kung iisipin mo eh napakadaling baliktarin na lang bigla ang sitwasyon at ayun, ikaw na nagdesisyon ang nasa baba na ngayon. Parang bola lang yan eh; paikot-ikot, talbog dito, talbog dun, pasa dito, pasa dun ngunit kalaunan eh matututunan mo din na yan bola pala eh sadyang ganyan lang, bilog at pulit-ulit lang ang galaw.
Minsan nakakasawa na din ang mga sitwasyong mabigat at paulit-ulit. Sino nga ba ang may gustong laruin ang isang bolang mabigat, diba? Minsan nagsasawa na lang ako eh. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko, may iba pa ba 'kong magagawa? Wala na eh kundi eto lang at ito. Ito lang at ito.
Nagiisip ako ng paraan para lumayo at umalis, wala naman akong maisip na paraan; kailangan ko pa ding manatili dito at tiisin.
Sa paulit-ulit na nangyayaring to, ayun...ganito na lang ako.
Tuesday, 03 June 2008
-
Parachutte
Nakasakay ako ng FX pauwi ko at nakuha ng atensyon ko to.
May isang pasaherong bababa ng FX habang nakahinto yung FX na sinasakyan ko sa gitna dahil nga traffic. Binuksan agad ng pasahero yung pintuan. Edi salita naman itong si manong driver.
Manong: Sandali lang po itatabi ko, wala kayong Parachutte.
hahaha. napangisi ako sa loob ng fx.
end of story.
Monday, 02 June 2008
-
Suko ka na?
Minsan inisip kong kumawala na lang.
Minsan naisip kong wag na lang ituloy.
Isang beses kong naisip na nahihirapan na ko't umalis na lang.
Pero hindi.
Wala din palang saysay kung ititigil ko ang lahat na nasa isip kong mahal naman niya ko.
Isang beses napagod akong maghintay pero sa bandang dulo, naisip kong makakabuti ang maghintay dahil mahal ko siya. Mahal ko siya at kaya kong maghintay.
Hindi ako susuko. Hindi ako magpapadala sa mga emosyon ko habang naghihintay sa tamang panahon.Alam ko ang ginagawa ko at alam kong dadating din ang panahong hinihintay ko.
Sana malapit na. Sana masilayan ko na ang araw na yun at mayakap ka ng mahigpit.
Hindi ako susuko. Maghihintay ako.
Weblog Archives
Don't worry - your calendar is here… to see it in action just click "Save"
above and refresh the page.


